panahon na lumipas Panahon na Lumipas
>kumakain ka ba ng aratilis?
>sumisipsip ng bulaklak ng santan?
> nagpipitpit ng gumamela para gawing soapy bubbles na hihipan mo sa binilog na walis tingting?
> pinipilit ka ba matulog ng nanay mo pag hapon at di kapapayagan maglaro pag di ka natulog?
> marunong ka magpatintero, saksak puso, langit-lupa, teleber- teleber, luksong tinik?
> malupit ka pag meron kang game & watch, atari, family computer or nes?
> alam mo ang silbi ng up, up, down, down, left, right, left, right, b, a, b, a, select, start?
> na kapag yamot ka sa kausap mo e sasabihin mo: "eto singko, bumili ka ng kausap mo"
> may mga damit ka na giordano classic, maui and sons, Boy London, Collezione, Pisanti, Cross, Colors, Esprit, Blowing Bubbles at pag nakakakita ka ng Bench na damit eh naalala mo si Richard Gomez?
> nag-pa semi kalbo ka rin ba tulad ni richard noon?
> sapatos na grosby futura endorsed by billy ray bates, aerosports, LA gear, colours na bulldog?
> addict ka sa rainbow brite, carebears, my little pony, thundercats,
> bioman, voltes V, daimos, he-man at marami pang cartoons na hindi pa translated sa tagalog?
> natakot kang manood ng unang translated sa tagalog na Inhumanoids? si Tendrill lalo!
> lalo pag shaider, pag tumalon na si annie... hehehe
> alam mo ibig sabihin ng time space warp at di mo makakalimutan ang time space warp chant?
> marunong ka mag wordstar at nakahawak ka na talaga ng 5.25 na floppy disk?
> inaabangan mo lagi ang batibot at akala mo magkakatuluyan si kuya bodgie at ate sienna... nung high school ka inaabangan mo lagi beverly hills 90210?
> gumagamit ka ng mouse para pataasin ang bangs mo?
> meron kang blouse na may padding kung babae ka at meron kang sapatos na mighty kid kung lalake ka?
> nangongolekta ka ng paper stationaries at mahilig ka magpapirma sa slumbook mo para lang malaman mo kung sino ang crush ng type mo?
> kilala mo si manang bola at ang sitsiritsit girls? e si ning-ning at
ging-ging?
> idol mo si McGyver at nanonood kang perfect strangers?
> ilang beses mo pinanood ang movie na Ghost
> eto malupet... six digits lang ba ang phone number nyo dati?
> nakakatawag ka pa sa pay phone ng 3 diyes lang ang dala?
> cute pa pay phone nun, color RED! pwede pa nga na 2 diyes lang kung magaling kang magsuot sa coin slot
> nanonood ka ng Takeshi's Castle?
> cute pa si aiza seguerra sa eat bulaga at alam mo ang song na "eh kasi bata"?
> napanood mo ang unang Bulagaan nung 1984
> inabutan mo ba na ang Magnolia Chocolait eh nasa glass bottle pa na ginagawang lalagyan ng tubig ng nanay mo sa ref?
> meron kang pencil case na maraming compartments na pinagyayabang mo sa mga kaklase mo?
> meron kang relo na nagiging robot?
> noon mo pa hinahanap kung saan ang Goya Fun Factory?
> nanonoood ka ng Uncle Bob Lucky Seven Club
> alam mo lyrics ng "tinapang bangus" at "alagang-alaga namin si puti"?
> alam mo ang kantang "gloria labandera".. lumusong sha sa tubig ang paa ay nabasa at ang "1, 2, 3, asawa ni marie"... hehehehehe?
> sosyal ka pag may play-doh ka at Lego... at nag-iipon ka ng G.I. Joe action figures at iba pa ang mukha ni barbie noon?
> inabutan mo pa yung singkong korteng bulaklak at yung diyes na square?
>eh, puto seko?
> ang akala mo nangangagat talaga ang alimango sa kantang tong-tong-tong...diba naninipit yun?
> alam mo yung kwento ng pari na binigyan ng pera yung batang umakyat ng puno para bumili ng panty... and shempre, alam mo rin ba kung ano binigay nya sa nanay nung umakyat ng puno?
> meron kang kabisadong kanta ni andrew e na alam mo hanggang ngayon...aminin? add natin din yung kanta ni Vanilla Ice...
> kilala mo ang singer ng line na ito... "ang batang lumaki sa
sinturon, hindi na lalaki... hindi na lalaki..."
> e yung sapatos ni cion?
> laging lampin ang sinasapin sa likod mo pag pinapawisan ka or
good morning towel?
> bumibili ka ng tarzan, texas at bazooka bubble gum... tira-tira, at yung kending bilog na sinawsaw sa asukal? e yung maanghang na pusit na nakatusok sa tutpik?
> nag-iipon ka ba ng tansan ng coke para maka-free ng Galaxy Yoyo? o kaya pipitpitin iipunin tapos itutusok sa alambre at gagawing acoompaniment sa pagcacaroling...o kaya dalawang pinitpit na tansa na ilalagay sa pisi at paiaikutin ng mabilis sa pamamagitan ng pagbatak sa magkabilang dulo pisi, kung magaling ka, mapapahuni mo pa ito.
> BETAMAX format pa... at sanay na tawagin ang porno as BOLD?
> takot ka dumating ang year 2000 dahil sabi nla magugunaw daw ang mundo?
> KUNG ALAM MO LAHAT DITO LAGPAS KA NA NG 25 YEARS OLD...
> WAG KA NA MAG DENY.. TUMAWA KA NA ANG...DIBA NGA .SAISENTA SINGKO SENTIMOS PA LAMANG ANG PAMASAHE SA JEEP NUN AT MAS MASARAP ANG MELLOW YELLOW KESA MOUNTAIN
DEW?
Forumer™ is Voted #1 Free Forum Hosting provider
Build your own community today with the largest message board hosting company.